Sino Ako?

My photo
Davao City, Philippines
"Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.

Monday, January 3, 2011

Topics for the Day

Oo, ganito talaga ako magsulat, pasanga-sanga, segue-dito-segue-doon aking style. Actually, wala naman talagang style. Sadya nga lang walang direksyon aking pagsulat. Dati na ako ganito, walang malinaw na patutunguhan kaya please bear with me.

TOPIC 1:
Unang araw ngayon ng klase sa 2011. Midterms na namin. 76 lang nakuha ko sa Surgery. 3 points lower ito sa dapat kong makuhang grado kasi 71 lang ako for the first semester. Sa Medicine kasi, ang subjects eh worth 1 full year. Ang grado mo sa first semester ay 50% lang baga. Ang ibig sabihan lang noon eh dapat magka-79 ako ngayong pangalawang Sem kung ayaw ko ma-belong sa lower batch. Ayaw ko sa current batch ng first years. Ewan, di ko sila feel for no apparent reason. Marahil ay na-develop na sa akin ang superiority complex sa kadahilanang ka-batch ko naman talaga ang iba sa kanila noong kolehiyo at ngayon second year Medicine student na ako (meaning, ahead sa kanila) eh ayaw ko magpa-under sa kanila. May sense ba yun? Umeepal lang talaga ako. Lumaki na marahil ang ulo ko. Ang tawag ni Dr. Single-Genius dun eh Pneumocephalus o ang pagkakaroon ng hangin sa utak. Hahahaha. Oo, pati ang mga doktor na mentors namin marunong mag-joke. Ibang lebel nga lang yung humor nila.

OMG. Tingnan mo nga naman. Exhibit A na yang paragraph sa itaas. Ebidensiya sa kawalan ko ng coherence. Yung tipong walang paroroonan ang tinatakbo ng isip ko na nag-re-reflect sa nasusulat ko. Wahaha.


TOPIC 2:
Nanunuod ako ng Mara Clara sa pagsulat ko sa post na ito. Napanuod ko kasi sa YouTube nuong biyernes habang nag-aantay sa bagong taon ang uploaded videos ni Christian. Siya yung loveteam ni Mara sa seryeng ito. Hindi pa siya lumalabas sa gabing ito. Oo, pwersahang panunuod ito para lamang masulyapan ko ang ka-pogian ni Albie CasiƱo na sa serye ay gumaganap bilang Christian Toralba. Napunuod ko naman ang orihinal na serye nina Gladys at Juday pero wala akong maalalang tugma sa role ni Albie.

SHET...andyan na siya!!! Wait lang... Worry-worrihan si Kuya Albie kasi absent si Mara. Commercial agad? Well, ngayon nanghihingi ng donasyon si Papa Christian para kay Mara. Bongga ang Kiray ha! Hahahaha!

Anyhooo. Ayun na nga, ang Christian na naalala ko eh si Kristofer na ngayo'y asawa na ni Gladys. Segue na naman ako. Si Papa Albie, ay mag-e-18 na pala ngayong taon. Yes! Legal na soon! Hahaha. Hayaan niyo na akong malulon sa pantasya. Once lang. Hehe. And take note, si Papa eh naka 4 GFs na daw. Nakasulat yan sa Wikipedia page niya ha. Haha. Habang ina-await ko ang next scene niya...heto na muna...mga photos ni Papa Albie from Google.







TOPIC 3:
May babasa pa kaya sa topic 3 ko matapos yung mga delicious pics ni Papa Albie? Anyway, ang pangatlong topic ko eh medyo maselan. Feel ko makakasakit ako or something. Sadya naman kasi akong makati at malandi. At sa kadahilanang ako nga eh virgin pa sa edad na 24-turning-25-soon eh kaya ko nagawa or naisipang gawin ang i-re-reveal ko sa third topic ko. Ngayon pa lang, mag-so-sorry na ako sa kung sino mang matatamaan. Kung ikaw man yun, sorry ha! Malandi lang talaga ang Kuya Hayme mo.

Ganito yun:
Yung isa kong kaibigan from highschool ay mami-meet ko na uli after so long. Sa naaalala ko, siya ang unang guy friend ko na nakaalam na gay ako via Friendster. Nabasa ko kasi yung coming-out post niya sa Friendster blog niya noong nasa kolehiyo pa kami at sobrang heart-felt yung pag-come-out niya kaya nag-come-out narin ako sa kanya. Hay naku. Aabutin tayo ng siyam-siyam pag ganito ako mag-kwento. Suffice to say na close kami, as in yung tipong marami akong alam sa buhay ng kaibigan kong ito.

Si friend, itago natin sa pangalang Jet, eh umuwi para magbakasyon. Ilang beses na akong inaya ni Jet makipag-sexball dati. Kahit close kami ni Jet eh never ko siyang pinagbigyan hindi dahil sa nahihiya ako sa kanya ngunit dahil gusto kong i-preserve yung chaste naming pagkakaibigan. Oo, mehganun! Dalawang araw lang si Jet mananatili sa siyudad at sa unang gabi ng reunion namin eh nag-offer na yung isa naming batchmate na sa kanila na makitulog si Jet. Bulilyaso na yung plano ko until naisip ko na "Hey, why not maki-sleep-over narin ako kina batchmate?". Di naman siguro ako paghihinalaan ng masama kasi normal naman yung gagawin ko at mangilang beses na kaming nag-sli-sleep-over sa kina batchmate nung nasa highschool pa kami.

Meron kasi akong itim na balak. No, not really that bad pero sa puntong ito, matapos itong maudlot eh naisip kong medyo ikinakahiya ko ang kinonive ko na plano.

Plinano kong hilingin kay Jet na i-blowjob ko siya. Ayan. Nasabi ko rin. Naghanap pa ako ng tiyempong mainam nang di ako makitaan ng kalandian pero wala talaga eh. Ayan, nasabi ko rin. Mahirap para sa akin sabihin iyan kasi it sounds SO DESPERATE. Pero, let ME face the awful truth. Talaga nga namang desperado na ako. Gustong-gusto ko na kasi talaga magka-experience. I know, so lame ko noh?

So anyway, ayun na nga. Matapos yung reunion namin eh nakauwi na kami ni Jet sa bahay ni batchmate. Dahil may kasama kaming isa pang bebot naming batchmate, sa mattress sa floor kami magkatabing nahiga ni Jet. Ilang beses ko ring plinano kung paano ako hihirit ng blowjob kay Jet. Open-minded naman kasi at bihasa na itong si Jet sa gay sex kaya I selfishly thought na madali ko siyang mapapa-Oo. We started talking. Atat na akong i-bring-up ang topic pero kasi gising pa si bebot na batchmate kaya pilit kong pinagliliban hanggang nga sa si Jet na mismo ang nagpaalam na matutulog na siya kasi maaga pa nga raw yung lakad niya kinaumagahan. Haysh. Napabuntong hininga na lang ako kasi nga nawalan narin ako ng confidence nung mga oras na iyon.

I let everything stop na at that point nung humikab na si Jet. Nakahanap ako ng rasong huwag na ituloy ang balak ko. Biglang nasilaw ako sa cellphone ni Jet na noo'y pumapagitna sa amin. May nag-text sa kanya. Buong gabi siyang may ka-text, di ko alam kung sino. Mga followers ata ng blog niya. Tumalikod si Jet sa akin at nakita kong matapos siyang mag-reply sa mga ka-text niya eh kinuha niya na naman ang phone niya at nag-text pa ng isa pang mensahe. Kinulit ko siya. Pa-embrace akong kumandong kay Jet at di sinasadya kong nabasa ang sinulat nito sa text.

Marahil ay di ko na dapat isulat yung laman ng text. Invasion of privacy na kasi. Tama na iyong nabasa ko yung text niya by chance. Kung naging rason ko man earlier ang antok ni Jet para ihinto ang plano, ngayon eh nagka-kongkretong dahilan na ako upang talagang putulin ko ang balak kong nagmula sa libog. Sa isang text niyang iyon eh napagalaman kong di pa pala over si Jet sa kanyang ex. Di na dapat ako manghimasok sa buhay pag-ibig ni Jet. Masyado nang kumplikado. Ayaw ko namang hadlangan ko pa ang malabo na ngang chance na magkabalikan sila.

Kinabukasan eh sa aming bahay na nakitulog si Jet. Tinadhana naman ata ni Lord na may kasama na naman siyang bebot naming batchmate na s aaming bahay na rin makikitulog kasi nga ang layo pa ng bahay nila at alam naming aabutin kami ng madaling araw sa huling hirit naming batch reunion. Buti n lang talaga kay bebot batchmate number 2 kasi kung hindi ay baka pinanghinaan na naman ako ng moral fiber at muling ipagpatuloy ang maitim kong balak. Walang nangyari though. Buti na lang. Di ko narin nagawang aminin kay Jet na may binabalak nga ako.

Hanggang dito na lang siguro.

Kung mabasa mo man ito Jet. Sorry ha. Sorry dahil naging marupok ako. Sorry kung naging mababa ang tingin ko sa pagkakaibigan natin. Pasensiya na. Nilibugan lang.

1 comment:

  1. HAHAHAHAHAH... wat!!! Ookay.... okaaay madaming okayyy..!!! Sorry friend.. na-broken hearted ka ba or something... yaan mo..sana lumipas din yan... kung ano man yan.. gusto ko pa sana mag-comment sa dalawang unang topic mo.. pero sobra naman akong naantig sa pag-eefort mo dito sa huli..

    Anyway.. I'm proud of you..wala lang kase totoo ka.. kung ano man sinusulat mo dito.. sobrang nirerespect ko.. kase personal life mo yan... at... Goodluck na lang sa studies mo parang carry mo naman... x)

    ReplyDelete