Sino Ako?

My photo
Davao City, Philippines
"Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.

Saturday, January 29, 2011

Achieve!!!


I walked ten kilometers today.

Yes.

Sampung tumataginting na kilometro...kapalit ng sampung extra points sa Surgery final exams.

At, oo. Nilakad ko.

Pataymali sa nakasulat sa singlet kong "Fun-RUN".

Masaya naman. Thanks sa aking friends na sinabayan ako sa paglalakad.





Pero, in fairness, lowbatt ako ngayon. Isang bar na lang.

Bago ako ma batt-empty...heto na muna guys...

Tuesday, January 25, 2011

Panyo

Maraming happy and kilig moments akong tinakam sa di mahabang panahong nakasama ko si Pogi. Pero lahat ng iyon ay ngayo'y tila magandang scenery'ng tanaw mo mula sa sideview mirror ng sasakyang bumabiyahe sa gitna ng mahamog at umaambong dapit-hapon. Blurry at unti-unting tinutunaw ng bawat patak ng ulan.


Iisa lang ang nakatatak sa alaala ko. Di ko malilimutan kasi traumatic ito para sa akin.

Nobyembre 13, 2005 noon. Huling araw ko sa UPLB. Sa nakalipas na gabi eh nakapagdesisyon akong lumipat na ng paaralan kasi walang patutunguhan ang pag-aaral ko sa UP. Tinext ko si Pogi. Nagpasama ako sa BioSci at OSA para itanong kung papaano yung proseso ng pagkuha ng Honorable Dismissal.

Di tulad ng unang araw na nasilayan ko si Pogi, sa araw na iyon ay ang panyong nakapulupot sa gawing siko ng kaliwang kamay niya lang ang naaalala ko sa get-up niya.

Di ko iyon pinansin kasi mula pa noong freshman pa kami eh paminsan-minsan na rin niyang sinusuot ang ganoong weird na outfit.


Sinamahan niya ako all day. Nagpaikot-ikot kami sa campus.

Kumain kami ng lunch. Matapos nun eh naglakad na kami, papasok muli sa campus. Marahil ay nahawi ng kanyang damit ang nakataling panyo. Kumunot ito sa bawat sagi sa kanyang suot. Nawalan ng higpit sa pagkakatali, di niya namalayang medyo tagilid na ito.

May nakita akong namumulang marka sa forearm niya.

Hinawi ko yung puting panyo.

May isang hiwa sa balat niya. Mga isang pulgada ang haba. Matalim na bagay ang sanhi ng sugat na iyon. Yung mapulang bagay ay namuong dugo sa sugat niyang nanigas na. May apat pang humilom nang sugat sa kanan ng namumulang hiwa na 'yon.

"You cut yourself? Why? Why didn't you tell me?"

Parang nakakita si Pogi ng multo. Para bang nadiskubre kong isa siyang frustrated murderer na nasa Most Wanted list - yun nga lang eh sarili niya ang di niya tuluyang napatay at nasa personal Most WANT-ed list ko talaga siya.

Di siya umimik. Di siya nakapagsalita maliban sa mala-sanggol niyang mga hikbi.

"Uh...uh..."

Eerie silence. Kuliglig effect.

"I've got to go."

Kumaripas siya ng takbo.

Tinawag ko pangalan niya.

Di siya lumingon. Ang likod ni Pogi na ang huling memory ko sa kanya. Di na muli kami nagkita after that day.

Sa bawat hakbang niya papalayo, tumakbo naman sa isip ko yung mga alaala kung saan siya ay may suot na panyo sa kamay niya tulad ng sa araw na iyon.

Naalala ko yung nasa Anatomy lecture hall kami. May panyo sa kamay niya. Nung isang weekend lang eh tumawag si Pogi sa akin, umiiyak, sabi niya baka di na raw niya kayanin.

Yung isa naman eh yung naglalakad kami after huling exam sa finals ng second year. Pinagalitan daw siya ng tatay niya. Ma-e-extend kasi siya kasi may nabagsak siyang subject, Chemistry 40, Organic Chemistry ata yun. May panyo din siya noon.

Another was nung sembreak. Ghost-town ang LB nun kasi nga walang pasok. Nagiging Bisaya speaking ang Los Baños noon kasi panay taga Visayas at Mindanao ang mga estudyanteng naiwang pagala-gala sa daan. Nakita ko siyang bigla. Ba't nasa LB ito, naisip ko. Tinanong ko siya. Sabi niya kagagaling niya daw sa kaklase niya sa FEU dati. Galing din daw siyang SM Bicutan. Ilang months after nun, nakwento niyang naglayas siya. Sa kaibigan niya siya nakituloy. Nagtrabaho din daw siya bilang salesperson sa SM Bicutan. Ako lang nakapag-connect sa pangyayari. Di niya rin kinonfirm o dineny yung theory ko. May panyo din siya nun.

##########

BOTTOMLINE...

Nakauwi ako ng Davao na di na-settle yung event na iyon.

It has always bothered me why Pogi has never confided in me his problem of slashing. I now understand that maybe slashing was HIS solution to his problems.

Lots of questions remain unanswered. They will never be answered. Pogi and I now have nothing in common anymore. He has long stopped texting me. It's been 2007 since he last greeted me on my birthday, on Christmas and New Year's.

I now only take comfort in the fact na he is still alive.

Minsan naiisip ko na siguro karamihan sa alam ko sa kanya eh di purong katotohanan. Okay lang. Okay na sa akin yun.

Naging mabuting kaibigan naman ako sa kanya.

Condolences


Namatay today ang mom ng kaklase namin. Na guilty ako kasi kaninang umaga eh naisipan ko pang itext siya kung bakit di pa na email sa akin yung lecture powerpoints na iki-quiz ngayong Biyernes. Sheesh.

I have this thing for death. I can't say I don't fear it totally, but then I also am not afraid of it. I mean, I don't care if I die right after this post. Its just that I've given death too much thought when I was younger, it now has lost its appeal. I've contemplated suicide a lot for a teenager. You see, I come from a troubled family but that's a whole different story all together. I guess that's why I have, on some level, overcome it.

But what I can't stand are the thoughts of an uncertain future now that such an important person as one's mom is no longer there. For one, if it were to happen to me, the money matters my mom handles are just way too complicated. She can run the Central Bank for all I know and she'd have made the Philippines a first-world nation long ago. Second, I'd miss my mom's version of early morning banter which technically is actually a litany of her frustrations fueled by my ineptitude. And perhaps, third, without my mom, my family, or the semblance of a family that it now is, would just fall apart.

To our ever dedicated class president, my sincerest condolences. Grieve for now but don't forget that with tomorrow comes a glimmer of hope and better days.

Sunday, January 23, 2011

Perhaps Love



"Paano kaya ma-in love?"

Hayaan niyo na. Sa tanda kong ito, di na normal yung wala ka pang experience sa love. May experience naman na ata ako kaso puro one-sided lang.

Unang love ko ata ay si ****. Mahirap nang i-reveal ang name. Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanya. Hihihi.

Itago na lang natin siya sa pangalang Pogi. Oo, kasi pogi ang tawag sa kanya ng mga taga Victory, yun bang Christian group. Lagi kasi kaming ini-invite umattend ng gatherings nila sa may Vega noong college days ko pa sa UPLB. At yun ang laging bansag sa kanya ng mga tao.

Pogi kasi si Pogi (Obvious?). Like Jericho Rosales is also pogi (kaya nga siya nanalong Mr. Pogi eh, ano ba Hayme!). Wala. Para lang may comparison kayo.

Matangkarin siya. Di payat. May build ng kaunti. Maputi. Ayaw ko kasi ng dark. Malumanay ang pagsasalita niya, ni di nga halos magsalita kahit ikaw na yung nag-umpisang kumausap.

Naaalala ko pa yung unang beses ko siyang nasulyapan. (Naks). Parang my breath was knocked out of me. Naglalakad siya kasama ang isa pa naming blocmate. As freshmen, effective pa yung bloc, meaning nun eh magkakasama pa kayo sa mga lecture classes at sa mga laboratories. Hindi naka-attend si Pogi sa unang bloc meeting sa OSA at absent din siya noong nagka-gathering of freshmen students for sorting into blocs. Kaya naman excited kaming magkakakilala na sa bloc na ma-meet siya.

Nung nakita ko siya sa malayo pa, mas na excite ako lalo. Di ko tinawag ang atensyon ng iba ko pang mga blocmates. Una, kasi tutok na tutok ako sa kanya at na-blanko utak ko. Ikalawa, kung di man ako totally nag space-out eh ipagdadamot ko ang moment na iyon. Gusto ko yung sino-solo ko ang pag-tanaw sa kanya.

Naglalakad siya mula sa Humanities Building. Naka faded dark green shirt siya noon. Pantalon na may punit sa kaliwang binti ang suot niya. Naka tsinelas lang siya. May reading glasses na pinagmukha siyang binatilyong Clark Kent. Di siya naka-smile. Serious-looking. It was love at first sight. Haaaaaaayyyyy...

Naaalala kong nasa middle column siya nakaupo sa Chemistry 16 class namin. Nasa left column pagpasok mo ng pinto. Sinadya kong umupo a row behind him nang lagi ko siyang matanaw.

Lunch time naman eh mahilig siyang kumain noon sa Seks oh sa papu's siomai. Hindi ako mahilig sa Papu's, may nakapagsabing marumi daw dun as evidenced by the Microbiology class ng uppermen. Pero panay dun parin ang punta niya sa tanghali. Sa huling pasok naman namin, sa Psychology ata ako nun at sa Philippine History naman siya, mag-isa siyang nakaupo sa huling row ng chairs malapit sa pintuan. Di pa nakakapag-dismiss ang teacher nila, una na iyong umaalis.

One thing kay Pogi is, may deperensiya siya. Anti-social kasi. Keeps to himself. Mas lalo tuloy akong ginanahang i-stalk siya at alamin ang schedule niya sa buong linggo.
Oo, weird siya kung weird.

Ito ang listahan ng ka-weirduhan niya:

1. Hindi siya kumakanta. Kahit hum lang. Nung unang birthday ko sa LB, first birthday na wala sa piling ng family ko, isa lang ang hiniling ko sa kanya - ang kumanta ng Happy Birthday. Di siya kumanta. Sa second year, yun parin ang hiling ko. Sa sumunod na taon, yun parin hiling ko. Wala parin. Nung nauso ang 15-minute call na unlimited sa Sun Cellular, parati kaming nagtatawagan. Di ko parin siya makuhang kumanta. Na-hurt na lang ako nang mabanggit sa akin ng isa pa naming blocmate na kumanta daw si Pogi ng isang chorus sa videoke sa bahay nila sa Bulacan. Broke my heart.

2. Hindi siya pumapasok sa bahay ng may bahay. Nung minsang hinatid nila kami sa New Dorm, hindi siya pumasok sa building. Ni sa lobby ayaw niya pumasok. Bakit? Kasi nga kung nagkataong kami naman ang makapunta sa tinitirhan niya, ayaw niya rin kaming imbitahang pumasok. As if naman eh alam namin kung saan siya nakatira. Ayaw niya ring sabihin. Sa kaka-stalk ko sa kanya, dun ko nalamang sa New Foreha pala siya nag-dorm. Kung balakin man naming akyatin iyon (nasa foot of Mt. Makiling ang New Foreha) eh malulusaw muna tsinelas namin sa aspaltong daan, magkakakalyo ang mga binti namin at mangingisay kami sa init. Sa naaalala ko, isang beses lang akong napadpad sa New Foreha. Nung nalaman niyang alam na naming lahat na taga dun siya, lumapit uli siya ng dorm. After a while, natunton din namin. Sa may Umali pala siya lumipat, sa may tapat ng Batcave. Fail. Wala daw kasing mas mura keysa dun. At finally, nung third year, lumipat siya ng kay layu-layo, ni di ko alam saan na - sa may bayan na raw, main town ng Los Baños. Ewan ko sa kanya.

Okay, so dalawa lang pala. Basta. Marami pa yun, di ko lang matandaan. Haha. Matagal na kasi.

Sa naaalala ko, siya ang pangalawang guy na napagsabihan kong bakla ako. Okay naman sa kanya. Weird nga lang yung reaction niya kasi ang naisip niya bigla eh kung siya ba daw gusto ko magsabi sa iba naming blocmates. Haha. Concerned? Di siguro. Weird lang talaga yun.

Haysh. Ewan ko ba anong meron yun kung ba't ako tinamaan ng sobra sa kanya.

Ganyan marahil ang first love. Weird din.

Saturday, January 22, 2011

Pets


Matatapos na ang aming thesis. Actually, tapos na ang experimentation phase. Nagbabadya na lang ang empty sheets of letter-sized bond paper na siyang pag-pri-print-an namin ng Chapter 4, 5 and 6 ng aming Pharmacology thesis.

Dahil sa tapos na ang thesis namin, ako na ang magmamay-ari ng labim-pitong eighteen (shet, 18 pala!) female albino mice na sa BFAD pa namin binili. Hindi ko maalala kung anong masamang hangin ang umihip pasa-akin nung araw na tinatong ng lider namin kung sinong may gustong kumupkop sa mga laboratory animals namin na siyang sagot ko naman ay mawiling "AKO! AKO!".

Heto. Kakatapos ko pa lang linisan yung apat nilang cages. Three replicates at isang control group kasi sila kaya kailangang ipaghiwahiwalay. Ngayong sila ay technically mga alaga ko na, I don't see the need of separating them. Less hassle sa pagpapakain kasi kulang-kulang ako sa lalagyan ng tubig at pellets. Buti na yung one big happy family sila. Iisang malaking SM Hardware plastic storage box ang magiging bago nilang bahay ngayon.

Minsan, naisip kong pagkakitaan silang mga mice ko. Since lahat sila'y babae, why not bumili ako ng, siguro, tatlong lalaking daga, yung matipuno ang katawan, may sizable testes, at yung malago ang balahibo. Tapos padadamihin ko sila. Saka nun eh ibebenta ko sila sa mga petshops. Magiging supplier ako ng - Oo, daga. Ewan ko lang kung ganun ka-lucrative a business yun. Sa tingin niyo?

Hay. Heto. Maliligo na nga lang muna ako. Nag-aamoy rodent na ako eh.

Sunday, January 16, 2011

Spectrum

Binilhan ng bagong laptop ni nanay ang kapatid naming bunso today. Siyempre ako ang pumili kung anong bibilhin. Ako lang naman kasi ang maaasahan sa ganyang bagay dito sa bahay. This brings me to my topic for tonight's entry. Stereotypes.

Hindi ako yung classic definition ng kabaklaan as most Filipinos see it. By "most", I mean yung nasa Classes C and D baga, AKA, the "Masa". Ganito kasi ang pagkakakilala nila sa isang baklang Pinoy...


You know what I mean. I do not cross-dress. Have no intention of doing so. In fact, I don't understand what drives their need to put on women's clothing. Pero, as always naman, I am not judging them. Open-minded naman ako. Not because I don't get them eh mababa na tingin ko sa kanila. I've met friends of friends who are the classic gay men. Sila yung kwela kasama. They laugh boisterously and talagang nakakahawa ang bawat tawa't bungisngis nila. Nakakaaliw nga pag sila-sila na yung nag eepalan sa isa't-isa. Pag friends mo sila, parang nasa front-row ka lang ng Laughline o kung anong comedy bar.

Hindi rin naman ako yung tipong bakla na "maton". Ang term ata ng karamihan sa ganitong tipo ng bakla eh "paminta" (as in Pa-Men ang drama...for those na di gets ito). I'm quite apprehensive in using this term. Pa-Men, meaning nagpapanggap na totoong lalake. Napaka-judgmental naman kasi ng katagang ito.


Mayroon naman kasi akong kilalang kaibigan na talagang astang lalake, kilos lalake, pati hilig eh panlalake pero bakla - bakla in the sense na may boyfriend siya at natural lang talaga sa kanyang ganoon siya. Yung bakla type 1, as described above, kasi eh ang tingin sa kanila eh closeted gays. Hindi naman silang lahat eh closeted. Sadyang ganoon lang talaga sila. Pero, yung iba nga naman eh totoong closeted kaya ganun kung makaasta. But still, this genre exists.

Parang si JP Calderon (left), he was straight-acting and all nung siya eh closeted pa pero wala namang nagbago nung siya ay umamin na nga na gay siya. Ang sama kasi ng meaning ng word na "nagladlad". Parang ang tingin ng karamihan eh nag-a-apply lang ito sa Type 1 Gays.

Anyway. Ako eh nasa gitna ng dalawang types na ito. Sa akin naman kasi, ayaw ko ng definite labels. Yung tipong nakakahon ka sa label na ipapaskin sa katauhan mo. Hamak namang mas complex ang personality ng tao para i-box-into a single category. For me, gayness can be likened to Autism. NO! Hindi dahil mental disorder ito kundi dahil, gaya ng Autism, gayness can be viewed as a SPECTRUM.


Basta AKO...masasabi kong nasa may gitna ako ng two extremes na ito. Medyo skewed to the left ng kaunti. Hahaha.

Saturday, January 15, 2011

Stupid!!!


Two words. Mario. Maurer.

AND HE DARES TO MAKE A MOVIE...

...and I dare to watch it

Again and again...

3x na ngayon...

Kahit na may 18 pages from Schwartz Principles of Surgery na kailangang basahin.

I LOVE YOU MARIO...

So much...

Huhuhuhu...

Ikakabagsak ko ang LOVE na'yan...

STUPID LOVE

...at dahil kulang ako sa oras...

I leave you muna with this...

Kung saan ko siya una nakita...



Heto pa another version...mas gusto ko ito...

Kaso wala ang kissing scene...



Minemorize ko ang kantang 'to dati.
Para ma refresh AKO (pwede ring kayo...)

GAN LAE GAN by Witwisit Hiranyawongkul
THAI LYRICS:
taa bok waa pleng nee dtaeng hai ter ter ja cheua mai
man aat mai pror mai seung mai suay ngaam meuan pleng tua bpai
yaak hai roo waa pleng rak taa mai rak gor kian mai daai
dtae gap ter kon dee roo mai chan kian yaang ngaai … daai

ter kong koie dai-yin pleng rak maa nap roi pan
man aat ja dohn jai
dtae gor mee kwaam maai meuan-meuan gan dtae taa ter fang pleng nee
pleng tee kian peua ter tao nan
peua ter kao jai kwaam maai laew jai ja daai mee gan lae gan

ENGLISH TRANSLATION:
If I said that this song is made for you, would you believe it?
It’s probably not melodious, not affectionate, not beautiful like other songs.
I want you to know that if there’s no love, you can’t write a love song.
But for you, my dear, do you know? I wrote it easily.

You’ve probably heard hundreds and thousands of love songs
that’s probably impressive
but with a similar meaning altogether, but if you listen to this song,
a song that’s written simply for you.
For you to understand the meaning of it, our hearts will then have a connection.


Nagpapantasyang kinakantahan AKO ni Mario...

STUPID...

I know...

Sunday, January 9, 2011

PG Mode


Nakakaumay na rin paminsan ang pagkaing sa depinisyon ng karamihan ay masarap tulad na lamang ng pizza sa Calda, special buchi sa Afhat, o ang creme brulee sa Ranch and Reef. Para sa akin ngayong gabi, deep fried matambaka, dinorado rice at isang basong ice-cold Coke classic (ayaw ko ng Zero) ang gamot sa kumakalam kong tiyan, sagot sa nagkakandarapa kong taste buds. Ngayong gabi, ito ang masarap.


Since nasa pagkain na lang man din ang topic, hayaan niyong ikuwento ko ang buffet experience namin. Birthday ng bestfriend kong si Googlie Bear noong Biyernes at dahil siya ay isang rich kid at naguumapaw ang pera niya (haha), nilibre niya kaming magbarkada (pito kami) for lunch.


Ranch and Reef. Wala na akong masabi literally nung matapos kaming kumain 'coz I was stuffed to the brim. Siguro pag kumain pa ako ng isa pang maki eh bibigay na ang aking lower esophageal sphincter. I had to open the flood gates (sinturon ko) midway through the course kasi super sarap talaga ng food doon. Di ako nag rice as I always do pag kumakain sa buffet. Haha. Nag-p-PG mode kasi ako pag nasa buffet (PG = Patay Gutom). Dapat lang naman diba? Haha.


For PhP 350 ang lunch buffet sa Ranch and Reef. Saktong-sakto na ito sa appetite at kasibaan ninuman. That day, for main course, I had chopsuey, teriyaki, maki, sushi na may iba't-ibang stuffing, beef steak, crispy chicken pitso and 4 helpings of Angus Steak (ito specialty nila). Xhet. Katumbas ng dalawang linggong no-food-after-six diet ang kinain ko nung araw na iyon. Parang may dumaang anghel nung nagsimula na kaming kumain - ang tahimik kasi! Haha. Tila kuliglig lang ang tunog ng china at silverware namin.


Bottomless icedtea ang naging pan'ulak namin. Nang ma satiate na aming gutom, kaunting picture-taking moments at tsika-here-tsika-there ang aming pinalipas bago naging to-the-desserts-table muli ang drama. Di ko na maalala mga pangalan ng kinain naming pastries and cookies pero naka-tatlong platito worth of sweets ata ako. Di pa counted yung platitong laman ay leche flan, creme brulee, at yung parang chocolate thingy na naka shot-glass. Haysh. Sobrang G-L-U-T-T-O-N-Y kami nung araw na 'yon. Hahaha.

*ang creme brulee at sushi diyan ang hindi actual pic. The others were taken from a certain Davao food blog.

Friday, January 7, 2011

Analytical Sex


Sabi ng mga kaibigan ko na masyado daw akong SPO. That stands for Sexually-Pre-Occupied. Napansin ko na rin ito sa sarili ko noon-noon pa. Napakabilis ng pick-up ko sa mga green jokes. Halos lahat na lang ata ng bagay eh kaya kong lapatan ng sexual innuendo. Masyado rin akong mahilig sa pornography. Minsan napapaisip ako kung mayroon na akong psychological addiction sa porn. Halos everytime kasing mayroon akong free time eh porn ang naiisip ko giving credence to the "fact" na men can't go without thinking about sex for more than 6 seconds.

Naikwento ko na yung unang beses akong nakapanuod ng porn. Iyon yung pina-watch sa akin ng pinsan kong naging bakla kalaunan ang isang smut movie noong sampung taong gulang pa lamang ako. Mula noon ay naging sex-curious na ako.

Sa sobrang SPO ko eh memoryado ko na ata mga pangalan ng mga pornstars sa industriya ng Hollywood mapa 90s man ito hanggang sa pinakabagong mga modelo ng 2010. Kung mayroon kasi akong nagugustuhang porn star eh ginu-google ko ang iba pa nilang mga movies and roles mapa-pornographic man ito oh hindi. Paminsan nga'y mas naaaliw akong panuorin yung mga videos nilang amateur ang dating, yun bang sila mismo ng mga ka-relasyon nila ang kumukuha.

Kung dati sa anu-anong porn lang ako mahilig, ngayon eh mas may preference na ako sa mga amateur videos at sa mga tipong reality-porn kung tawagin ko. Sa amateur videos kasi eh mas nakikitaan mo ng truth-value ang bawat halinghing ng magsyota habang into-the-moment silang dalawa. Mas erotic panuorin at pakinggan. The same truth-value ang nahanap ko rin sa mga reality-porn. Ako lang ang nag-coin sa term na iyan, kung may lehitimo mang terminolohiya sa genre na iyan ay paki-inform na lang ako. By reality-porn, mini-mean ko ay ang Sean Cody, Corbin Fisher, Straight Guys for Gay Eyes, Boy Gusher and the like. Yung tipong maguumpisa ang mga modelo bilang first-time pornographic actors at habang sila ay tumatagal sa industriya ay nakikitaan mo sila ng improvement. Ewan. Madi-decipher mo na yung kung ano yung acting at kung anong reaction nila ang totoo. Siguro masyado lang akong observant o di kaya marahil eh ganoon na sila kagaling umarte at pati ako'y nalilinlang na nila. Hehe. Whatever man eh mas na a-arouse ako sa ganyang tipong porn.


Mas mahilig din ako sa blowjobs. Na-mention ko na bang kahit sa straight porn eh naeengganyo din akong manuod? Yes. Basta may lalaki, game ako. Haha. Anyway, balik tayo sa blowjobs... Mas erotic para sa akin ang blowjobs. Kung tutuusin kasi, mas may erotic value sa akin yung hahayaan mong i-subject sa "danger" yung ari mo. Kung isipin kasi ng karamihan eh mas nakakaangat ang lalaki sa babae kung ibo-blowjob ng girl ang guy. But pause and think, hindi ba nasa babae ang dominance pag nagpe-perform ng blowjob? She could hurt the guy kaya! And the fact that she doesn't and instead pleasures him with her teeth-laden mouth and allows her guy to play a pseudo-dominant role, I reckon that is where I derive the sexual-mental-psychological pleasure from the act. Hahaha. Nagiging analytical na ba ako? Hayaan niyo na.

Kayo ba? Sa anong genre ng porn kayo mahilig?

The "G" Word

Out na ako sa parents ko. Noong pasko lang. Pero dahil ito sa isang post ko sa FB saying out loud na pagod na akong maging closet-gay na nabasa naman ng isang tita ko sa States na siya namang naging laman ng isang long distance call para sa nanay ko mula sa tita ko. Long story cut short...alam na ng immediate family ko na gay ako.

Actually, noong 2005 ko pang sinabi sa nanay ko na gay ako. Isinulat ko sa birthday card ng nanay ko yung aking admission. Natuwa naman ako na hindi ako tinakwil ng nanay ko at tinupad niya naman yung inihiling kong huwag munang ipaalam sa tatay ko aking sikreto. Naging understanding naman si nanay.

Wala gaanong nagbago sa amin mula noong confession kong dinaan sa sulat. Ni walang confrontation at ma-dramang hugs and kisses na naganap. Isang simpleng text lang na "Okay. I understand." Sa tatlong mga salita eh nakontento na ako at nabuksan din ang hawlang kumulong sa akin na siyang ako rin ang may gawa.

Mula noon eh mas naging less of a personal issue sa akin ang pagiging gay ko. Mas naging open ako sa mga friends ko. Napagsabihan ko rin ang mga matatalik kong mga kaibigan na buong puso't kaluluwa naman akong tinanggap sabay sabing matagal na nilang alam. Ganyan ang totoong mga kaibigan. Tanggap ka kung sino ka man. Buo ka man oh kulang.

Pero naging mahirap pa rin ang pakikisalamuha ko sa dalawa kong kapatid na babae. Higit din akong naging aware sa pagiging closey-close ng aking ama sa akin.

You see, ang pamilya namin ay, sa lack of better words, civil lang sa isa't-isa. Yung tipong walang pakialamanan sa buhay ng isa't-isa. Honest...ni walang halong joke. Basta ba't nasa bahay ka sa tamang oras, oh nagpaalam na mahuhuli ka sa hapunan, malinisan mo kuwarto mo, wag mag-uwi ng pulang class card, um-attend sa mga family reunions...swak na ang role mo bilang parte ng pamilya.

Di ko na ma-trace kung bakit naging ganito kaming pamilya. Marahil nad-ugat ito sa uri ng trabaho ng mga magulang ko. Ang tatay ko, bilang bread-winner, ay simula't sapul ay sa malayong lugar nadidestino makapagtrabaho lang at makauwi ng relatively mataas na sahod. Noong nasa elementarya pa lamang ako eh dalawang aarw sa linggo ko lang makita si tatay, Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng gabi. Maaga siyang umaalis ng bahay Lunes ng umaga para di mahuli sa trabahong apat na oras pa ang layo. Nagtuloy-tuloy ito hanggang nag kolehiyo ako.

Si nanay naman ay isang achiever. Valedictorian siya nung elementarya. Salutatorian siya noong hayskul at naging valedictorian sana kung hindi lang naging anak ng prinsipal ang first honor nila. Magnacumlaude din siya sa Mapua sa kursong Electrical Engineering. In short, pinalaki niya kaming ang buong kaharap mag-gabi ay ang aming notes, assingments at libro. Noong nasa Nursery ako at di ko maisaulo ang "Father's Garden Tools" (nagbabadyang omen sa kabaklaan ko) ay kinurot niya ako ng kinurot hanggang puwede na akong kabitan ng hikaw sa tenga. Noong nasa fourth grade ako, nasa Honor's Class ako ng Ateneo, hindi ko maintindihan ang pinagkaiba ng Present Progressive Tense sa Present Perfect Progressive Tense eh ginawa niyang styrofoam ang mga binti ko. Tinesting lang ni mama kung tatagos ba sa balat ng binti ko ang machine-sharpened Mongol Pencil No.2. Siguro naman you get the picture. Ang nanay ko ay perfectionist. Kung ano gusto niya, siyang nasusunod. Ang utos ng reyna ay di puwedeng mabali, ika-nga.

Sa mga kondisyong ito nagmula ang pagiging "civil" namin sa isa't-isa. Hindi kami sanay mag halik-goodbye, mag-hug pagpasok ng bahay, let alone mag "I Love You" sa isa't-isa. Oo, nagbabatian naman kami kapag birthday at tuwing Pasko at New Year pero s aibang mga special occasions eh masusurprise na lang kami. May boquet of roses na lang na mala-kabuting susulpot sa dining table. Wedding Anniversary pala nila. Di naman alam. Bigla na lang may handaan at mga bisita ni Papa mula sa opisina (na di ko rin naman kilala by name). Yun pala na promote si Papa or something. Di namin alam. Minsan ilang araw mawawala't di umuuwi si Papa. Yun pala may conference sa Manila. Di rin namin alam. Uuwi ng Bohol si Papa, akala namin conference na naman tapos biglang namatay na pala si Lolo. Di namin alam. Ni di man lang namin alam na matagal na pala siyang diabetic at labas-pasok sa ospital sanhi ng naimpeksiyong Foley's catheter.

For short...HINDI KAMI CLOSE.

Kaya nga naman mas naging okay sa aking sarilihin ang gayness ko. Pero di sa lahat ng panahon ito nari-realize. Maraming beses naring nabuksan gn kapatid ko ang stack ko of porn videos sa isang tagong folder sa C:\Windows\system32. Computer Science kasi kurso niya. Di ko yun na-count into the equation nung naisipan kong doon itago ang mga iyon. Mangilang beses na ring nakita ng isa ko pang kapatid ang mga cut-outs at printed colored-pics ko ng mga nakahubad na matipunong mga modelo. Ilang beses niya na ring narinig ang explanation kong para ito sa Home Eduction Class...gagawing collage. Minsan rin sa kotse, bigla ko na lang sasabayan si Jaya, Regine, Celine at Mariah sa radyo. Nakakalimutan kong si Papa pala ang nagmamaneho.

Hindi rin naman sila naging totally clueless. Kaya marahil na accept na nila ako paunti-unti. Nakatulong na rin malamang ang pagiging (with all humility) matalino naming mag-anak. Liberated kami. Ang nanay at tatay ko eh Katoliko. Ang bunso naming kapatid ay nagpa-baptize sa Methodist church. Ang isa eh di ko mawari ang relihiyon. Ako nama'y dumaan sa atheist stage at pagiging agnostic matapos iyon. Nagbalik loob naman na ako pero ako parin ay No-Religious Affiliation to this day.

Basta. Ang haba na. Ang gusto ko lang sabihin eh, masaya ako at out na ako sa pamilya ko. Di man kami perpektong pamilya, pamilya parin kami kung tutuusin. Para sa iba diyan na hindi pa out, huwag magmadali. Iyan ay isang time-requiring process. Mangangailangan ka ng matinding sakripisyo, tatag ng loob at isipan, mga emotional outlet at support system of friends. Kung wala ka nito, naku, ABORT-ABORT ang pag-a-out. Baka di mo kayanin. Oo, nandyan na ako sa pagpapakatotoo sa sarili mo, pero mas importante yung kaya mo nang harapin ang responsibilidad at kahihinatnan ng katotohanang haharapin mo. Dapat maabot mo sa sarili mong oras at sikap yung realization na ikaw ay hindi abnormal, hindi mo kasalanan ang pagiging bakla, hindi kasalanan ang pagiging bakla at higit sa lahat, IKAW AY BAKLA.

Tuesday, January 4, 2011

Surgery

Unang week pa lang ng 2011 at may nakaambang muling Surgery quiz sa Huwebes ng alas-otso ng umaga. Di na sila nakontento at talagang unang subject pa ha!

Thyroid and Parathyroid ang topic. Nakakaisang pahina pa lang ako sa twenty pages ko. AT!!! Take note, naka 3 columns, Arial Narrow, Font size 7 ang aking print-out. 124 pages kasi ata siya sa libro. Nag-fi-feeling lang ako na iikli yung babasahin ko pag pinaliitan ko yung font galore. Haha.

O siya. Hanggang dito na muna. Busy-busyhan ang Kuya Hayme. Baka di na uli maka-pag-post this week.

Kamilla, thanks for always reading. Gaganti ako ng comment sa blog mo anytime soon.

Monday, January 3, 2011

Topics for the Day

Oo, ganito talaga ako magsulat, pasanga-sanga, segue-dito-segue-doon aking style. Actually, wala naman talagang style. Sadya nga lang walang direksyon aking pagsulat. Dati na ako ganito, walang malinaw na patutunguhan kaya please bear with me.

TOPIC 1:
Unang araw ngayon ng klase sa 2011. Midterms na namin. 76 lang nakuha ko sa Surgery. 3 points lower ito sa dapat kong makuhang grado kasi 71 lang ako for the first semester. Sa Medicine kasi, ang subjects eh worth 1 full year. Ang grado mo sa first semester ay 50% lang baga. Ang ibig sabihan lang noon eh dapat magka-79 ako ngayong pangalawang Sem kung ayaw ko ma-belong sa lower batch. Ayaw ko sa current batch ng first years. Ewan, di ko sila feel for no apparent reason. Marahil ay na-develop na sa akin ang superiority complex sa kadahilanang ka-batch ko naman talaga ang iba sa kanila noong kolehiyo at ngayon second year Medicine student na ako (meaning, ahead sa kanila) eh ayaw ko magpa-under sa kanila. May sense ba yun? Umeepal lang talaga ako. Lumaki na marahil ang ulo ko. Ang tawag ni Dr. Single-Genius dun eh Pneumocephalus o ang pagkakaroon ng hangin sa utak. Hahahaha. Oo, pati ang mga doktor na mentors namin marunong mag-joke. Ibang lebel nga lang yung humor nila.

OMG. Tingnan mo nga naman. Exhibit A na yang paragraph sa itaas. Ebidensiya sa kawalan ko ng coherence. Yung tipong walang paroroonan ang tinatakbo ng isip ko na nag-re-reflect sa nasusulat ko. Wahaha.


TOPIC 2:
Nanunuod ako ng Mara Clara sa pagsulat ko sa post na ito. Napanuod ko kasi sa YouTube nuong biyernes habang nag-aantay sa bagong taon ang uploaded videos ni Christian. Siya yung loveteam ni Mara sa seryeng ito. Hindi pa siya lumalabas sa gabing ito. Oo, pwersahang panunuod ito para lamang masulyapan ko ang ka-pogian ni Albie Casiño na sa serye ay gumaganap bilang Christian Toralba. Napunuod ko naman ang orihinal na serye nina Gladys at Juday pero wala akong maalalang tugma sa role ni Albie.

SHET...andyan na siya!!! Wait lang... Worry-worrihan si Kuya Albie kasi absent si Mara. Commercial agad? Well, ngayon nanghihingi ng donasyon si Papa Christian para kay Mara. Bongga ang Kiray ha! Hahahaha!

Anyhooo. Ayun na nga, ang Christian na naalala ko eh si Kristofer na ngayo'y asawa na ni Gladys. Segue na naman ako. Si Papa Albie, ay mag-e-18 na pala ngayong taon. Yes! Legal na soon! Hahaha. Hayaan niyo na akong malulon sa pantasya. Once lang. Hehe. And take note, si Papa eh naka 4 GFs na daw. Nakasulat yan sa Wikipedia page niya ha. Haha. Habang ina-await ko ang next scene niya...heto na muna...mga photos ni Papa Albie from Google.







TOPIC 3:
May babasa pa kaya sa topic 3 ko matapos yung mga delicious pics ni Papa Albie? Anyway, ang pangatlong topic ko eh medyo maselan. Feel ko makakasakit ako or something. Sadya naman kasi akong makati at malandi. At sa kadahilanang ako nga eh virgin pa sa edad na 24-turning-25-soon eh kaya ko nagawa or naisipang gawin ang i-re-reveal ko sa third topic ko. Ngayon pa lang, mag-so-sorry na ako sa kung sino mang matatamaan. Kung ikaw man yun, sorry ha! Malandi lang talaga ang Kuya Hayme mo.

Ganito yun:
Yung isa kong kaibigan from highschool ay mami-meet ko na uli after so long. Sa naaalala ko, siya ang unang guy friend ko na nakaalam na gay ako via Friendster. Nabasa ko kasi yung coming-out post niya sa Friendster blog niya noong nasa kolehiyo pa kami at sobrang heart-felt yung pag-come-out niya kaya nag-come-out narin ako sa kanya. Hay naku. Aabutin tayo ng siyam-siyam pag ganito ako mag-kwento. Suffice to say na close kami, as in yung tipong marami akong alam sa buhay ng kaibigan kong ito.

Si friend, itago natin sa pangalang Jet, eh umuwi para magbakasyon. Ilang beses na akong inaya ni Jet makipag-sexball dati. Kahit close kami ni Jet eh never ko siyang pinagbigyan hindi dahil sa nahihiya ako sa kanya ngunit dahil gusto kong i-preserve yung chaste naming pagkakaibigan. Oo, mehganun! Dalawang araw lang si Jet mananatili sa siyudad at sa unang gabi ng reunion namin eh nag-offer na yung isa naming batchmate na sa kanila na makitulog si Jet. Bulilyaso na yung plano ko until naisip ko na "Hey, why not maki-sleep-over narin ako kina batchmate?". Di naman siguro ako paghihinalaan ng masama kasi normal naman yung gagawin ko at mangilang beses na kaming nag-sli-sleep-over sa kina batchmate nung nasa highschool pa kami.

Meron kasi akong itim na balak. No, not really that bad pero sa puntong ito, matapos itong maudlot eh naisip kong medyo ikinakahiya ko ang kinonive ko na plano.

Plinano kong hilingin kay Jet na i-blowjob ko siya. Ayan. Nasabi ko rin. Naghanap pa ako ng tiyempong mainam nang di ako makitaan ng kalandian pero wala talaga eh. Ayan, nasabi ko rin. Mahirap para sa akin sabihin iyan kasi it sounds SO DESPERATE. Pero, let ME face the awful truth. Talaga nga namang desperado na ako. Gustong-gusto ko na kasi talaga magka-experience. I know, so lame ko noh?

So anyway, ayun na nga. Matapos yung reunion namin eh nakauwi na kami ni Jet sa bahay ni batchmate. Dahil may kasama kaming isa pang bebot naming batchmate, sa mattress sa floor kami magkatabing nahiga ni Jet. Ilang beses ko ring plinano kung paano ako hihirit ng blowjob kay Jet. Open-minded naman kasi at bihasa na itong si Jet sa gay sex kaya I selfishly thought na madali ko siyang mapapa-Oo. We started talking. Atat na akong i-bring-up ang topic pero kasi gising pa si bebot na batchmate kaya pilit kong pinagliliban hanggang nga sa si Jet na mismo ang nagpaalam na matutulog na siya kasi maaga pa nga raw yung lakad niya kinaumagahan. Haysh. Napabuntong hininga na lang ako kasi nga nawalan narin ako ng confidence nung mga oras na iyon.

I let everything stop na at that point nung humikab na si Jet. Nakahanap ako ng rasong huwag na ituloy ang balak ko. Biglang nasilaw ako sa cellphone ni Jet na noo'y pumapagitna sa amin. May nag-text sa kanya. Buong gabi siyang may ka-text, di ko alam kung sino. Mga followers ata ng blog niya. Tumalikod si Jet sa akin at nakita kong matapos siyang mag-reply sa mga ka-text niya eh kinuha niya na naman ang phone niya at nag-text pa ng isa pang mensahe. Kinulit ko siya. Pa-embrace akong kumandong kay Jet at di sinasadya kong nabasa ang sinulat nito sa text.

Marahil ay di ko na dapat isulat yung laman ng text. Invasion of privacy na kasi. Tama na iyong nabasa ko yung text niya by chance. Kung naging rason ko man earlier ang antok ni Jet para ihinto ang plano, ngayon eh nagka-kongkretong dahilan na ako upang talagang putulin ko ang balak kong nagmula sa libog. Sa isang text niyang iyon eh napagalaman kong di pa pala over si Jet sa kanyang ex. Di na dapat ako manghimasok sa buhay pag-ibig ni Jet. Masyado nang kumplikado. Ayaw ko namang hadlangan ko pa ang malabo na ngang chance na magkabalikan sila.

Kinabukasan eh sa aming bahay na nakitulog si Jet. Tinadhana naman ata ni Lord na may kasama na naman siyang bebot naming batchmate na s aaming bahay na rin makikitulog kasi nga ang layo pa ng bahay nila at alam naming aabutin kami ng madaling araw sa huling hirit naming batch reunion. Buti n lang talaga kay bebot batchmate number 2 kasi kung hindi ay baka pinanghinaan na naman ako ng moral fiber at muling ipagpatuloy ang maitim kong balak. Walang nangyari though. Buti na lang. Di ko narin nagawang aminin kay Jet na may binabalak nga ako.

Hanggang dito na lang siguro.

Kung mabasa mo man ito Jet. Sorry ha. Sorry dahil naging marupok ako. Sorry kung naging mababa ang tingin ko sa pagkakaibigan natin. Pasensiya na. Nilibugan lang.

Sunday, January 2, 2011

Pornocopia

To kill time while my Bel Ami video of Andre Boleyn, Jack Harrer and Kevin Warhol is being converted to DivX format, let me go down memory lane and revisit my first venture into this forbidden fruit called pornography.

I remember my first porn, I was in the 4th grade then. It was uneventful, really. My cousin woke me up in the middle of the night to view this movie. His bestfriend fed the betamax tape (yes, it was that long ago) into the player and they both got comfortable. I didn't know at the time that they were masturbating through their shorts. The movie started with this man reading the daily newspaper while this girl was repeatedly staring at him and his crotch. She got up and knelt in front of him and started undoing his trousers. To my shock, his plump penis was in her hands in no time and it got really big (even for my present standards) and it looked flushed with blood and hard.

The scene unrolling before my eyes that night awoke a primal curiosity in me, a curiosity which I continually fed and has today turned that same curiosity into this green-eyed beast constantly awake constantly reminding me that I am a creature of lust. By the way, that cousin of mine turned out to be gay. I bet he liked watching those movies with his bestfriend because he lusted over him while they were jacking off.

Anyway, my second porn would be that of Rocco Siffred in the movie Tarzan. The story behind my discovery of the pirated VCD is actually fun to tell. You see, curious as I was, I thought that if you can put copies of files onto diskettes (yes, another ancient artifact) why not put copies into CDs. I searched high and low, rummaged by parent's room for a CD and at last I saw one stashed behind documents and folders. I popped it in our PC's optic drive then tried to drag-and-copy a file into the disk. As you would know, it didn't work. But what happened next did not frustrate me at all. I clicked away at the files inside the CD and voila a movie played out of this one folder named AVSEQ-something. Hahaha. Since then, I have lusted over Rocco's big fat schlong. That was when I knew what oral sex was. I discovered other acts one could do to a woman other than casual genital to genital sex. That day will forever live in infamy...well at least for me.

The dawn of the connected world would again mark another milestone in my search for porn. We first had our internet connection through a modem in my 5th year in primary school. Through Yahoo and eventually Google, I discovered tons upon tons of images from Playboy magazine. It was then that I began to notice that what actually turned me on when watching porn was not the women and their ginormous tits but actually the massive porn-sized dicks. Women spreadeagled for all to see just didn't cut it. I went looking for pics of Playgirl bunnies with gorgeous men in them. And I went on until women were completely out of the picture. Alas. I was beginning to discover I was gay as gay could be.

I would swoon over catalogs of Playgirl magazine. Those were the days of Julian Armanis, my porn god from Bel Ami studios. His scenes in Frisky Summer was too much for me to handle. Hahaha. Now that I recall, I think it was through this 30-second clip of him in a bathtub stroking his 9-inch dick which made me cum for the first time. That night, now that I think back, was marked by utmost satisfaction over my first teenage orgasm coupled by the dire worry of something unknown happening to me. I thought I grasped my dick so hard I bled out but at the same time it was making the greatest sensation ever. It was sick. I think I did it another time that night. Hahaha.

TO BE CONTINUED...