Sino Ako?

My photo
Davao City, Philippines
"Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.

Wednesday, April 13, 2011

Sweet Love



Wala lang. Pag-logon ko pa lang kasi sa FB eh yan ang post ng Doctor namin sa wall niya. And I just love this song. Pang diva kasi na classic na rin. At kayang-kaya ko kantahin with all the emote and kulot. Oy rhyming. Hehehe.

Anyway, matagal na akong di nakakapag-post.

Natapos na ang second year ko sa Med school. Ang pinagdarasal ko na lang ngayon, (LORD, if you're reading) eh na pumasa ako dun sa Pathology removals exam na 135 items at kelangan kong magka-80 man lang. Hindi talaga ako sing-confident dun di tulad ng sa Surgery removals na medyo breeze at chicken lang (yabang!). So ayun. Sa Tuesday (April 19th) ang deliberation ng committee for promotions. Hay naku. Lord, once again, papasa naman po ako po. Huhuhu.


Sino nanuod ng Bnb. Pilipinas? Yeah. Nag-trending topic sa Twitter si Nuestra Señora Venus Raj. Hahaha. Kasi naman, sino naman kasing magaakalang magpruprosinsyon siya ala-Sto. Niño. As in, sinong nagkulot sa iyo Teh? Close malamang kay Baby Jesus. Kakaaliw. Namangha ako sa kanyang talaga. Heto pa ibang mga Twitter trends about sa Poong Venus Raj:

"Akala ko naligaw ako. Ginawa niya kasing Quiapo ang Araneta."

"Mga audience po kami, di kami mga deboto."

"Pinaghahanap na po ngayon ng NBI (Nagkukulot Buhok Investigation) ang nagkulot kay Venus Raj."

Hahahaha. Kakatawa lang talaga. Tsaka, maiba ako. Bakit mistulang walang ka-talent-talent sumagot ng questions ang mga Filipina contestants. Akalain mo, nanalo na yung pagka-gasgas-gasgas na "Education, b-coz it can't be taken away from you." As in. Walang bagong mga sagot. Meron pating nag-ala barangay na "Thank you for that wonderful question". Pwede? And, pinaka-FAIL sa lahat, "People is Government and Government is People." Huh? Paikot-ikot ka Teh? Di siguro siya familiar sa "Gov't is for, by, and of the People."

Hay. Anyways. Sige, hanggang dito na lang muna. Pinag-iisipan ko kasi uling i-spice up ang blog na ito. Kaso, by so doing, magiging non-Rated-PG tayo.

5 comments:

  1. Parang tukneneng ang post na ito... gawa sa pugo at ang sarap i-deep sa matamis na sawsawan.. ang iksi pero dame ko tawa hahaha.. di ko alam na ganyan itsura niya.. hahaha wala ako alam sa BB.Pilipinas.. hahahaha pero katawa ung mga pinost mong comment galing twitter.. toinnk na toink..

    at goodluck sa 80 na yun... Goodluck more!

    ReplyDelete
  2. yawa ka cy. sige kog katawa sa Nuestra Señora Venus Raj. pero yawa jud ang mga pinoy. feeling nako pareho gyud ta tanan nga giisip nga mura siya'g sto niño.

    uuuuy anong spice yan? haha. aabangan ko yan.

    ReplyDelete
  3. @Nishi. Yun ngang sabi mo na mag-re-rate ako ng mga porno. Wehe.

    @Kamila. Salamat naman at napatawa kita. Hehe.

    ReplyDelete
  4. hahaha.. nagpuyat ako sa Bb. Pilipinas, tas right after nun puro, "Mananalo ka sa Miss Universe Shamcey, dahil pinagpala ka ng Poong Venus Raj.." ang nababasa ko sa live updates online. di ko nagets. tas nung me nagpost ng pic ni venus, hehehe HAM NGA!

    ReplyDelete
  5. ooohh...matagal tagal ko na ring naiisip yang kantang yan... :D

    haha katuwa naman yung mga tweet..sayang di ko pinatapos :D

    ReplyDelete