Sino Ako?

My photo
Davao City, Philippines
"Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.

Tuesday, January 25, 2011

Panyo

Maraming happy and kilig moments akong tinakam sa di mahabang panahong nakasama ko si Pogi. Pero lahat ng iyon ay ngayo'y tila magandang scenery'ng tanaw mo mula sa sideview mirror ng sasakyang bumabiyahe sa gitna ng mahamog at umaambong dapit-hapon. Blurry at unti-unting tinutunaw ng bawat patak ng ulan.


Iisa lang ang nakatatak sa alaala ko. Di ko malilimutan kasi traumatic ito para sa akin.

Nobyembre 13, 2005 noon. Huling araw ko sa UPLB. Sa nakalipas na gabi eh nakapagdesisyon akong lumipat na ng paaralan kasi walang patutunguhan ang pag-aaral ko sa UP. Tinext ko si Pogi. Nagpasama ako sa BioSci at OSA para itanong kung papaano yung proseso ng pagkuha ng Honorable Dismissal.

Di tulad ng unang araw na nasilayan ko si Pogi, sa araw na iyon ay ang panyong nakapulupot sa gawing siko ng kaliwang kamay niya lang ang naaalala ko sa get-up niya.

Di ko iyon pinansin kasi mula pa noong freshman pa kami eh paminsan-minsan na rin niyang sinusuot ang ganoong weird na outfit.


Sinamahan niya ako all day. Nagpaikot-ikot kami sa campus.

Kumain kami ng lunch. Matapos nun eh naglakad na kami, papasok muli sa campus. Marahil ay nahawi ng kanyang damit ang nakataling panyo. Kumunot ito sa bawat sagi sa kanyang suot. Nawalan ng higpit sa pagkakatali, di niya namalayang medyo tagilid na ito.

May nakita akong namumulang marka sa forearm niya.

Hinawi ko yung puting panyo.

May isang hiwa sa balat niya. Mga isang pulgada ang haba. Matalim na bagay ang sanhi ng sugat na iyon. Yung mapulang bagay ay namuong dugo sa sugat niyang nanigas na. May apat pang humilom nang sugat sa kanan ng namumulang hiwa na 'yon.

"You cut yourself? Why? Why didn't you tell me?"

Parang nakakita si Pogi ng multo. Para bang nadiskubre kong isa siyang frustrated murderer na nasa Most Wanted list - yun nga lang eh sarili niya ang di niya tuluyang napatay at nasa personal Most WANT-ed list ko talaga siya.

Di siya umimik. Di siya nakapagsalita maliban sa mala-sanggol niyang mga hikbi.

"Uh...uh..."

Eerie silence. Kuliglig effect.

"I've got to go."

Kumaripas siya ng takbo.

Tinawag ko pangalan niya.

Di siya lumingon. Ang likod ni Pogi na ang huling memory ko sa kanya. Di na muli kami nagkita after that day.

Sa bawat hakbang niya papalayo, tumakbo naman sa isip ko yung mga alaala kung saan siya ay may suot na panyo sa kamay niya tulad ng sa araw na iyon.

Naalala ko yung nasa Anatomy lecture hall kami. May panyo sa kamay niya. Nung isang weekend lang eh tumawag si Pogi sa akin, umiiyak, sabi niya baka di na raw niya kayanin.

Yung isa naman eh yung naglalakad kami after huling exam sa finals ng second year. Pinagalitan daw siya ng tatay niya. Ma-e-extend kasi siya kasi may nabagsak siyang subject, Chemistry 40, Organic Chemistry ata yun. May panyo din siya noon.

Another was nung sembreak. Ghost-town ang LB nun kasi nga walang pasok. Nagiging Bisaya speaking ang Los BaƱos noon kasi panay taga Visayas at Mindanao ang mga estudyanteng naiwang pagala-gala sa daan. Nakita ko siyang bigla. Ba't nasa LB ito, naisip ko. Tinanong ko siya. Sabi niya kagagaling niya daw sa kaklase niya sa FEU dati. Galing din daw siyang SM Bicutan. Ilang months after nun, nakwento niyang naglayas siya. Sa kaibigan niya siya nakituloy. Nagtrabaho din daw siya bilang salesperson sa SM Bicutan. Ako lang nakapag-connect sa pangyayari. Di niya rin kinonfirm o dineny yung theory ko. May panyo din siya nun.

##########

BOTTOMLINE...

Nakauwi ako ng Davao na di na-settle yung event na iyon.

It has always bothered me why Pogi has never confided in me his problem of slashing. I now understand that maybe slashing was HIS solution to his problems.

Lots of questions remain unanswered. They will never be answered. Pogi and I now have nothing in common anymore. He has long stopped texting me. It's been 2007 since he last greeted me on my birthday, on Christmas and New Year's.

I now only take comfort in the fact na he is still alive.

Minsan naiisip ko na siguro karamihan sa alam ko sa kanya eh di purong katotohanan. Okay lang. Okay na sa akin yun.

Naging mabuting kaibigan naman ako sa kanya.

4 comments:

  1. kuya sige, ikaw na rin ang stalker -_-
    wala na akong award -_-

    hihi...

    Oo nga at least nagkaron siya ng mabuting kabigan.

    Salamat sa pagtapos ng storya! :D

    ReplyDelete
  2. Hehe. Thanks. Stalker? Oo, pero ginive-up ko na ang lifestyle na yan. Kakapagod! Haha.

    ReplyDelete
  3. hala nakakabahala naman yun... pero grabe... hindi pa talaga ako nakakakilala nung mga tao na ganun na lang kung pasanin ang problema sa mundo.. sinosolo o nilalabas sa ibang paraan..

    ReplyDelete
  4. @Kamila: uy! welcome back! back to blogosphere ka na for good? anyway, yeah, nakaka-alarm nga pero they do exist, sometimes they could even be your friends, di mo lang alam.

    ReplyDelete