Sino Ako?
- "Hi, Me!"
- Davao City, Philippines
- "Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.
Sunday, January 9, 2011
PG Mode
Nakakaumay na rin paminsan ang pagkaing sa depinisyon ng karamihan ay masarap tulad na lamang ng pizza sa Calda, special buchi sa Afhat, o ang creme brulee sa Ranch and Reef. Para sa akin ngayong gabi, deep fried matambaka, dinorado rice at isang basong ice-cold Coke classic (ayaw ko ng Zero) ang gamot sa kumakalam kong tiyan, sagot sa nagkakandarapa kong taste buds. Ngayong gabi, ito ang masarap.
Since nasa pagkain na lang man din ang topic, hayaan niyong ikuwento ko ang buffet experience namin. Birthday ng bestfriend kong si Googlie Bear noong Biyernes at dahil siya ay isang rich kid at naguumapaw ang pera niya (haha), nilibre niya kaming magbarkada (pito kami) for lunch.
Ranch and Reef. Wala na akong masabi literally nung matapos kaming kumain 'coz I was stuffed to the brim. Siguro pag kumain pa ako ng isa pang maki eh bibigay na ang aking lower esophageal sphincter. I had to open the flood gates (sinturon ko) midway through the course kasi super sarap talaga ng food doon. Di ako nag rice as I always do pag kumakain sa buffet. Haha. Nag-p-PG mode kasi ako pag nasa buffet (PG = Patay Gutom). Dapat lang naman diba? Haha.
For PhP 350 ang lunch buffet sa Ranch and Reef. Saktong-sakto na ito sa appetite at kasibaan ninuman. That day, for main course, I had chopsuey, teriyaki, maki, sushi na may iba't-ibang stuffing, beef steak, crispy chicken pitso and 4 helpings of Angus Steak (ito specialty nila). Xhet. Katumbas ng dalawang linggong no-food-after-six diet ang kinain ko nung araw na iyon. Parang may dumaang anghel nung nagsimula na kaming kumain - ang tahimik kasi! Haha. Tila kuliglig lang ang tunog ng china at silverware namin.
Bottomless icedtea ang naging pan'ulak namin. Nang ma satiate na aming gutom, kaunting picture-taking moments at tsika-here-tsika-there ang aming pinalipas bago naging to-the-desserts-table muli ang drama. Di ko na maalala mga pangalan ng kinain naming pastries and cookies pero naka-tatlong platito worth of sweets ata ako. Di pa counted yung platitong laman ay leche flan, creme brulee, at yung parang chocolate thingy na naka shot-glass. Haysh. Sobrang G-L-U-T-T-O-N-Y kami nung araw na 'yon. Hahaha.
*ang creme brulee at sushi diyan ang hindi actual pic. The others were taken from a certain Davao food blog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nyahahaha... kapag kumakaen din kame sa buffet di na ako kumukuha ng kanin.. kase naman usual yun noh... pero dahil patay gutom din ako... lahat ng klase ng pagkaen tig iisa lang.. kase nasusuka ako pagkatapos..pero di ako bolemic...
ReplyDeleteat ang pagkaen na masarap sa kin... tuyo..ewan ko kung anong satisfaction nakukuha ko sa maalat na makating maliit na isda na yun..
In fairness natakam din ako sa pritong isda with rice and coke mo. sana may sawsawan pa na toyo suka kamatis onions sili
ReplyDeleteay bat di tayo pumunta jan?! =(
ReplyDelete@Kamilla: PG ka din pala. Haha.
ReplyDelete@Kor: oy, naka comment ka na rin.
@Jap: Ay,ikaw na ang kwartahan!