Binilhan ng bagong laptop ni nanay ang kapatid naming bunso today. Siyempre ako ang pumili kung anong bibilhin. Ako lang naman kasi ang maaasahan sa ganyang bagay dito sa bahay. This brings me to my topic for tonight's entry. Stereotypes.
Hindi ako yung classic definition ng kabaklaan as most Filipinos see it. By "most", I mean yung nasa Classes C and D baga, AKA, the "Masa". Ganito kasi ang pagkakakilala nila sa isang baklang Pinoy...
You know what I mean. I do not cross-dress. Have no intention of doing so. In fact, I don't understand what drives their need to put on women's clothing. Pero, as always naman, I am not judging them. Open-minded naman ako. Not because I don't get them eh mababa na tingin ko sa kanila. I've met friends of friends who are the classic gay men. Sila yung kwela kasama. They laugh boisterously and talagang nakakahawa ang bawat tawa't bungisngis nila. Nakakaaliw nga pag sila-sila na yung nag eepalan sa isa't-isa. Pag friends mo sila, parang nasa front-row ka lang ng Laughline o kung anong comedy bar.
Hindi rin naman ako yung tipong bakla na "maton". Ang term ata ng karamihan sa ganitong tipo ng bakla eh "paminta" (as in Pa-Men ang drama...for those na di gets ito). I'm quite apprehensive in using this term. Pa-Men, meaning nagpapanggap na totoong lalake. Napaka-judgmental naman kasi ng katagang ito.
Mayroon naman kasi akong kilalang kaibigan na talagang astang lalake, kilos lalake, pati hilig eh panlalake pero bakla - bakla in the sense na may boyfriend siya at natural lang talaga sa kanyang ganoon siya. Yung bakla type 1, as described above, kasi eh ang tingin sa kanila eh closeted gays. Hindi naman silang lahat eh closeted. Sadyang ganoon lang talaga sila. Pero, yung iba nga naman eh totoong closeted kaya ganun kung makaasta. But still, this genre exists.
Parang si JP Calderon (left), he was straight-acting and all nung siya eh closeted pa pero wala namang nagbago nung siya ay umamin na nga na gay siya. Ang sama kasi ng meaning ng word na "nagladlad". Parang ang tingin ng karamihan eh nag-a-apply lang ito sa Type 1 Gays.
Anyway. Ako eh nasa gitna ng dalawang types na ito. Sa akin naman kasi, ayaw ko ng definite labels. Yung tipong nakakahon ka sa label na ipapaskin sa katauhan mo. Hamak namang mas complex ang personality ng tao para i-box-into a single category. For me, gayness can be likened to Autism. NO! Hindi dahil mental disorder ito kundi dahil, gaya ng Autism, gayness can be viewed as a SPECTRUM.
Basta AKO...masasabi kong nasa may gitna ako ng two extremes na ito. Medyo skewed to the left ng kaunti. Hahaha.
nice one cy. ako yata naa jud sa tunga-tunga.
ReplyDeleteparang...may nawala... hmmm...
ReplyDelete@hazeyokriyu, Huh? May nawawala? Na alin?
ReplyDeleteoh..nawala uli.. umm... ano kayang nangyayari at biglang nawawala mga comment ko?? ... hmm... :D
ReplyDeleteHuh? Nawawala comment mo? Ba naman. Oy, baka isipin mong dini-delete ko ah! Wala naman akong binubura. =P
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteayun...okay na ata... mehehehe.. pasensya sa abala... :D
ReplyDelete