Matatapos na ang aming thesis. Actually, tapos na ang experimentation phase. Nagbabadya na lang ang empty sheets of letter-sized bond paper na siyang pag-pri-print-an namin ng Chapter 4, 5 and 6 ng aming Pharmacology thesis.
Dahil sa tapos na ang thesis namin, ako na ang magmamay-ari ng
Heto. Kakatapos ko pa lang linisan yung apat nilang cages. Three replicates at isang control group kasi sila kaya kailangang ipaghiwahiwalay. Ngayong sila ay technically mga alaga ko na, I don't see the need of separating them. Less hassle sa pagpapakain kasi kulang-kulang ako sa lalagyan ng tubig at pellets. Buti na yung one big happy family sila. Iisang malaking SM Hardware plastic storage box ang magiging bago nilang bahay ngayon.
Minsan, naisip kong pagkakitaan silang mga mice ko. Since lahat sila'y babae, why not bumili ako ng, siguro, tatlong lalaking daga, yung matipuno ang katawan, may sizable testes, at yung malago ang balahibo. Tapos padadamihin ko sila. Saka nun eh ibebenta ko sila sa mga petshops. Magiging supplier ako ng - Oo, daga. Ewan ko lang kung ganun ka-lucrative a business yun. Sa tingin niyo?
Hay. Heto. Maliligo na nga lang muna ako. Nag-aamoy rodent na ako eh.
basta kuya... wag kang makakalimot kung mayaman ka na.
ReplyDeleteteehee :D
Nyek. Hahaha. Oo, pupuntahan kitang Baguio...papagawan kita Snow Machine.
ReplyDeleteHaha! can't wait :D
ReplyDelete