Sino Ako?
- "Hi, Me!"
- Davao City, Philippines
- "Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.
Sunday, January 23, 2011
Perhaps Love
"Paano kaya ma-in love?"
Hayaan niyo na. Sa tanda kong ito, di na normal yung wala ka pang experience sa love. May experience naman na ata ako kaso puro one-sided lang.
Unang love ko ata ay si ****. Mahirap nang i-reveal ang name. Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanya. Hihihi.
Itago na lang natin siya sa pangalang Pogi. Oo, kasi pogi ang tawag sa kanya ng mga taga Victory, yun bang Christian group. Lagi kasi kaming ini-invite umattend ng gatherings nila sa may Vega noong college days ko pa sa UPLB. At yun ang laging bansag sa kanya ng mga tao.
Pogi kasi si Pogi (Obvious?). Like Jericho Rosales is also pogi (kaya nga siya nanalong Mr. Pogi eh, ano ba Hayme!). Wala. Para lang may comparison kayo.
Matangkarin siya. Di payat. May build ng kaunti. Maputi. Ayaw ko kasi ng dark. Malumanay ang pagsasalita niya, ni di nga halos magsalita kahit ikaw na yung nag-umpisang kumausap.
Naaalala ko pa yung unang beses ko siyang nasulyapan. (Naks). Parang my breath was knocked out of me. Naglalakad siya kasama ang isa pa naming blocmate. As freshmen, effective pa yung bloc, meaning nun eh magkakasama pa kayo sa mga lecture classes at sa mga laboratories. Hindi naka-attend si Pogi sa unang bloc meeting sa OSA at absent din siya noong nagka-gathering of freshmen students for sorting into blocs. Kaya naman excited kaming magkakakilala na sa bloc na ma-meet siya.
Nung nakita ko siya sa malayo pa, mas na excite ako lalo. Di ko tinawag ang atensyon ng iba ko pang mga blocmates. Una, kasi tutok na tutok ako sa kanya at na-blanko utak ko. Ikalawa, kung di man ako totally nag space-out eh ipagdadamot ko ang moment na iyon. Gusto ko yung sino-solo ko ang pag-tanaw sa kanya.
Naglalakad siya mula sa Humanities Building. Naka faded dark green shirt siya noon. Pantalon na may punit sa kaliwang binti ang suot niya. Naka tsinelas lang siya. May reading glasses na pinagmukha siyang binatilyong Clark Kent. Di siya naka-smile. Serious-looking. It was love at first sight. Haaaaaaayyyyy...
Naaalala kong nasa middle column siya nakaupo sa Chemistry 16 class namin. Nasa left column pagpasok mo ng pinto. Sinadya kong umupo a row behind him nang lagi ko siyang matanaw.
Lunch time naman eh mahilig siyang kumain noon sa Seks oh sa papu's siomai. Hindi ako mahilig sa Papu's, may nakapagsabing marumi daw dun as evidenced by the Microbiology class ng uppermen. Pero panay dun parin ang punta niya sa tanghali. Sa huling pasok naman namin, sa Psychology ata ako nun at sa Philippine History naman siya, mag-isa siyang nakaupo sa huling row ng chairs malapit sa pintuan. Di pa nakakapag-dismiss ang teacher nila, una na iyong umaalis.
One thing kay Pogi is, may deperensiya siya. Anti-social kasi. Keeps to himself. Mas lalo tuloy akong ginanahang i-stalk siya at alamin ang schedule niya sa buong linggo.
Oo, weird siya kung weird.
Ito ang listahan ng ka-weirduhan niya:
1. Hindi siya kumakanta. Kahit hum lang. Nung unang birthday ko sa LB, first birthday na wala sa piling ng family ko, isa lang ang hiniling ko sa kanya - ang kumanta ng Happy Birthday. Di siya kumanta. Sa second year, yun parin ang hiling ko. Sa sumunod na taon, yun parin hiling ko. Wala parin. Nung nauso ang 15-minute call na unlimited sa Sun Cellular, parati kaming nagtatawagan. Di ko parin siya makuhang kumanta. Na-hurt na lang ako nang mabanggit sa akin ng isa pa naming blocmate na kumanta daw si Pogi ng isang chorus sa videoke sa bahay nila sa Bulacan. Broke my heart.
2. Hindi siya pumapasok sa bahay ng may bahay. Nung minsang hinatid nila kami sa New Dorm, hindi siya pumasok sa building. Ni sa lobby ayaw niya pumasok. Bakit? Kasi nga kung nagkataong kami naman ang makapunta sa tinitirhan niya, ayaw niya rin kaming imbitahang pumasok. As if naman eh alam namin kung saan siya nakatira. Ayaw niya ring sabihin. Sa kaka-stalk ko sa kanya, dun ko nalamang sa New Foreha pala siya nag-dorm. Kung balakin man naming akyatin iyon (nasa foot of Mt. Makiling ang New Foreha) eh malulusaw muna tsinelas namin sa aspaltong daan, magkakakalyo ang mga binti namin at mangingisay kami sa init. Sa naaalala ko, isang beses lang akong napadpad sa New Foreha. Nung nalaman niyang alam na naming lahat na taga dun siya, lumapit uli siya ng dorm. After a while, natunton din namin. Sa may Umali pala siya lumipat, sa may tapat ng Batcave. Fail. Wala daw kasing mas mura keysa dun. At finally, nung third year, lumipat siya ng kay layu-layo, ni di ko alam saan na - sa may bayan na raw, main town ng Los BaƱos. Ewan ko sa kanya.
Okay, so dalawa lang pala. Basta. Marami pa yun, di ko lang matandaan. Haha. Matagal na kasi.
Sa naaalala ko, siya ang pangalawang guy na napagsabihan kong bakla ako. Okay naman sa kanya. Weird nga lang yung reaction niya kasi ang naisip niya bigla eh kung siya ba daw gusto ko magsabi sa iba naming blocmates. Haha. Concerned? Di siguro. Weird lang talaga yun.
Haysh. Ewan ko ba anong meron yun kung ba't ako tinamaan ng sobra sa kanya.
Ganyan marahil ang first love. Weird din.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
As in takot sa tao?? bat kaya? may history ba siya ng maltreatment?? sige kuya siya na ang weird, wala na akong laban... :D
ReplyDeleteKuya, anlakas naman ng stalking powers mo...
sabagay mas nahihirapan naman akong tandaaan ang mga pangalan ng mga babae ni rizal kesa sa damit nung crush ko nung monday, last year :D
Hahaha. Di ko actually natapos isulat ito. Tapusin ko pa?
ReplyDeletepakitapos... salamat! :D
ReplyDelete