Out na ako sa parents ko. Noong pasko lang. Pero dahil ito sa isang post ko sa FB saying out loud na pagod na akong maging closet-gay na nabasa naman ng isang tita ko sa States na siya namang naging laman ng isang long distance call para sa nanay ko mula sa tita ko. Long story cut short...alam na ng immediate family ko na gay ako.
Actually, noong 2005 ko pang sinabi sa nanay ko na gay ako. Isinulat ko sa birthday card ng nanay ko yung aking admission. Natuwa naman ako na hindi ako tinakwil ng nanay ko at tinupad niya naman yung inihiling kong huwag munang ipaalam sa tatay ko aking sikreto. Naging understanding naman si nanay.
Wala gaanong nagbago sa amin mula noong confession kong dinaan sa sulat. Ni walang confrontation at ma-dramang hugs and kisses na naganap. Isang simpleng text lang na "Okay. I understand." Sa tatlong mga salita eh nakontento na ako at nabuksan din ang hawlang kumulong sa akin na siyang ako rin ang may gawa.
Mula noon eh mas naging less of a personal issue sa akin ang pagiging gay ko. Mas naging open ako sa mga friends ko. Napagsabihan ko rin ang mga matatalik kong mga kaibigan na buong puso't kaluluwa naman akong tinanggap sabay sabing matagal na nilang alam. Ganyan ang totoong mga kaibigan. Tanggap ka kung sino ka man. Buo ka man oh kulang.
Pero naging mahirap pa rin ang pakikisalamuha ko sa dalawa kong kapatid na babae. Higit din akong naging aware sa pagiging closey-close ng aking ama sa akin.
You see, ang pamilya namin ay, sa lack of better words, civil lang sa isa't-isa. Yung tipong walang pakialamanan sa buhay ng isa't-isa. Honest...ni walang halong joke. Basta ba't nasa bahay ka sa tamang oras, oh nagpaalam na mahuhuli ka sa hapunan, malinisan mo kuwarto mo, wag mag-uwi ng pulang class card, um-attend sa mga family reunions...swak na ang role mo bilang parte ng pamilya.
Di ko na ma-trace kung bakit naging ganito kaming pamilya. Marahil nad-ugat ito sa uri ng trabaho ng mga magulang ko. Ang tatay ko, bilang bread-winner, ay simula't sapul ay sa malayong lugar nadidestino makapagtrabaho lang at makauwi ng relatively mataas na sahod. Noong nasa elementarya pa lamang ako eh dalawang aarw sa linggo ko lang makita si tatay, Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng gabi. Maaga siyang umaalis ng bahay Lunes ng umaga para di mahuli sa trabahong apat na oras pa ang layo. Nagtuloy-tuloy ito hanggang nag kolehiyo ako.
Si nanay naman ay isang achiever. Valedictorian siya nung elementarya. Salutatorian siya noong hayskul at naging valedictorian sana kung hindi lang naging anak ng prinsipal ang first honor nila. Magnacumlaude din siya sa Mapua sa kursong Electrical Engineering. In short, pinalaki niya kaming ang buong kaharap mag-gabi ay ang aming notes, assingments at libro. Noong nasa Nursery ako at di ko maisaulo ang "Father's Garden Tools" (nagbabadyang omen sa kabaklaan ko) ay kinurot niya ako ng kinurot hanggang puwede na akong kabitan ng hikaw sa tenga. Noong nasa fourth grade ako, nasa Honor's Class ako ng Ateneo, hindi ko maintindihan ang pinagkaiba ng Present Progressive Tense sa Present Perfect Progressive Tense eh ginawa niyang styrofoam ang mga binti ko. Tinesting lang ni mama kung tatagos ba sa balat ng binti ko ang machine-sharpened Mongol Pencil No.2. Siguro naman you get the picture. Ang nanay ko ay perfectionist. Kung ano gusto niya, siyang nasusunod. Ang utos ng reyna ay di puwedeng mabali, ika-nga.
Sa mga kondisyong ito nagmula ang pagiging "civil" namin sa isa't-isa. Hindi kami sanay mag halik-goodbye, mag-hug pagpasok ng bahay, let alone mag "I Love You" sa isa't-isa. Oo, nagbabatian naman kami kapag birthday at tuwing Pasko at New Year pero s aibang mga special occasions eh masusurprise na lang kami. May boquet of roses na lang na mala-kabuting susulpot sa dining table. Wedding Anniversary pala nila. Di naman alam. Bigla na lang may handaan at mga bisita ni Papa mula sa opisina (na di ko rin naman kilala by name). Yun pala na promote si Papa or something. Di namin alam. Minsan ilang araw mawawala't di umuuwi si Papa. Yun pala may conference sa Manila. Di rin namin alam. Uuwi ng Bohol si Papa, akala namin conference na naman tapos biglang namatay na pala si Lolo. Di namin alam. Ni di man lang namin alam na matagal na pala siyang diabetic at labas-pasok sa ospital sanhi ng naimpeksiyong Foley's catheter.
For short...HINDI KAMI CLOSE.
Kaya nga naman mas naging okay sa aking sarilihin ang gayness ko. Pero di sa lahat ng panahon ito nari-realize. Maraming beses naring nabuksan gn kapatid ko ang stack ko of porn videos sa isang tagong folder sa C:\Windows\system32. Computer Science kasi kurso niya. Di ko yun na-count into the equation nung naisipan kong doon itago ang mga iyon. Mangilang beses na ring nakita ng isa ko pang kapatid ang mga cut-outs at printed colored-pics ko ng mga nakahubad na matipunong mga modelo. Ilang beses niya na ring narinig ang explanation kong para ito sa Home Eduction Class...gagawing collage. Minsan rin sa kotse, bigla ko na lang sasabayan si Jaya, Regine, Celine at Mariah sa radyo. Nakakalimutan kong si Papa pala ang nagmamaneho.
Hindi rin naman sila naging totally clueless. Kaya marahil na accept na nila ako paunti-unti. Nakatulong na rin malamang ang pagiging (with all humility) matalino naming mag-anak. Liberated kami. Ang nanay at tatay ko eh Katoliko. Ang bunso naming kapatid ay nagpa-baptize sa Methodist church. Ang isa eh di ko mawari ang relihiyon. Ako nama'y dumaan sa atheist stage at pagiging agnostic matapos iyon. Nagbalik loob naman na ako pero ako parin ay No-Religious Affiliation to this day.
Basta. Ang haba na. Ang gusto ko lang sabihin eh, masaya ako at out na ako sa pamilya ko. Di man kami perpektong pamilya, pamilya parin kami kung tutuusin. Para sa iba diyan na hindi pa out, huwag magmadali. Iyan ay isang time-requiring process. Mangangailangan ka ng matinding sakripisyo, tatag ng loob at isipan, mga emotional outlet at support system of friends. Kung wala ka nito, naku, ABORT-ABORT ang pag-a-out. Baka di mo kayanin. Oo, nandyan na ako sa pagpapakatotoo sa sarili mo, pero mas importante yung kaya mo nang harapin ang responsibilidad at kahihinatnan ng katotohanang haharapin mo. Dapat maabot mo sa sarili mong oras at sikap yung realization na ikaw ay hindi abnormal, hindi mo kasalanan ang pagiging bakla, hindi kasalanan ang pagiging bakla at higit sa lahat, IKAW AY BAKLA.
Wow. Di ko to alam ah. So nung nag sleep over ako senyo, out ka na non?
ReplyDeleteYes, Jet.
ReplyDeletekami rin sa pamilya hindi sweet -_-
ReplyDeletewaw ang swerte mo naman... ayoko sana kasing mawala yung mga straight friends ko e...
@hazeyokriyu...
ReplyDeleteMost of my straight friends are from hiskul and even elementary, kaya they've known me inside-out narin...BUT, if you do lose friends just because you came out, then that's their loss. They wouldn't be the right friends for you.