Prelims Exam, first day, namin kanina. It couldn't have gone any worse.
Akalain mo bang A for True and C for False pala yung 100 item True-or-False portion ng 150-item na exam? All the while, akala ko B for False. Wala na! Huli na nung nalaman ko. Nailapag ko na sa table ng proctor ang aking answer sheet nang napansin kong may something odd sa answer sheets ng mga kaklase ko. Bakit ang lawak ng agwat ng A sa B ng answer sheets nila? OMG!!! That's when it hit me. Internal Medicine pala ito. C for False. Bwishet. Parang pinagsakluban ako ng langit at tila nabaon ako 6-feet-underground. Mahirap na nga yung exam, not folling instruction pa ako. Bwishet.
Well. Ganyan talaga ang buhay. Minsan lugmok na lugmok ka pero makakahanap at makakahanap talaga ang mundo ng paraan upang mas ibaon ka pa sa putikan. Urgh!