Sino Ako?

My photo
Davao City, Philippines
"Hi, Me!" coz my name is Hayme and I still am getting to know myself. A Medical student. A geek. A hopeless romantic. Gay. Single since being out. Single since birth for that matter. Accompany me as I redefine myself.

Monday, February 14, 2011

Required mag-Valentines Day Post

Valentines.

Hahay, at kailan pa kaya ako masasabik for THAT reason sa pagdating ng araw na ito?

Kanina, kaming mga miyembro ng Karaoke-After-Exams Club ay nagpuntang SM para naman kunwaring i-celebrate ang Valentines. Hindi, actually, naparoon kami para lang mag-lunch at maglakwatsa total walang pasok buong maghapon.

Walang pasok sa kadahilanang Educator's Day kanina sa eskwela. Oo, Educator's Day na ang tawag pag wala ka na sa University kasi hindi lang naman pala ang mga beloved Teachers natin ang may kakayahang mag-educate. Pati narin mga Doktor ay part-time Guro na ngayon. Marahil ay buhat ito sa pangangailangan ng extra income o sadyang busilak talaga ang kanilang mga puso at sa kakarampot na sweldo nila bilang mentors namin sa Medical School ay kusang loob silang nagdurusa nagseserbisyo alang-alang sa kabukasan ng Medisina sa bansa. I froud you, Dok!

So, bago ako lumihis sa topic...

Valentines Day today. Ewan ko kung may pakialam talaga ako liban na lang sa na-miss ko ang araw na ito kasi mahilig akong makinuod sa mga mag-syotang bigkis-kamay, pulupot-balikat, o tila frozen-together-the-lips effect na parang humalik sa ice sa freezer (Na-try niyo na? Huwag na, masakit!). Oo, sa pagka-hopeless-romantic ko eh di naman ako tinutubuan ng sungay, napapakunot noo sabay say ng "Ano ba yan? PDA na yan ha!" tulad ng ibang mga bitter single na tao diyan. Isa ka ba sa kanila? Hehe.

I welcome PDA. Na-sti-stimulate kasi ang aking imagination sa mga ganyang PDA moments. Napapa-imagine ako na ka-HH-WW-SS (sabay swing)ko rin ang aking imaginary Prince Charming.

Sapagkat nakapang-sulat na si Nishiboy ng My Ideal Guy na post, why not emulate it diba?

Sige, let's begin...

For starters, hindi naman ako naghahanap ng uber hotness na dude in terms of physique. Ano naman kasing K ko eh ako nama'y may BMI (Body Mass Index) na 29.6 na para sa kaalaman ninyong lahat ay tinatawag nilang "overweight". Yeah, IKR, napaka-harsh nila noh? Why not call it overnourished? Anyway, okay na sa akin yung may kaunting love handles din. Pero kung ala Borgy Manotoc ang body niya eh di biyaya na iyon ni Lord. Ba't ka nga naman aangal.

Kung intellect at personality naman ang pag-uusapan, I fall for the silent-type, serious guy. Silent waters run deep, ika nga. Diyahe naman kasi kung kaming dalawa panay talak na lang diba? Minsan ko ring inimagine na nakaupo lang kami somewhere private, like sa beach resort, o sa park, tahimik, nakahawak-kamay at nagtititigan lang. Hayyyyy. Anyway, gaya nga sa sabi ng Psychology mentor namin, the MIND is the ultimate sex organ, dapat magsing wavelength kami ng magiging dyowa ko. Yung he finds my green jokes funny and not SPO bordering to being psychotic like most of my friends (Jarnel yoohoo!). Tsaka dapat may interest/s siya na di ko type para kunwari may angulong pagbibigayan. Gets? Basta, yun na yun.

-I'll end it here- (Baka di tayo matapos!)

Ang gusto ko lang naman kasi eh yung taong makakausap ko - yung kahit ano lang pero not to the point that we bore each other (parang ninakaw lang from Nishi's post, ehe). Yung pag may happy moment ako, nandyan siya para may mapagsabihan. Pag may sad times na gusto kong iuntog ulo ko nang magka contusion at magka acute amnesia, huwag na lang ako magpakasasa sa sakit kasi andyan naman siya para makalimot naman ako kahit saglit. Yung tipong masasabi mong siya'y Nescafe ng buhay mo kasi sagot siya sa tagline nilang "Para kanino ka gumigising?". Siya yung Siomai at Hopia ko kasi sa pag-SIOMAI love ko sa kanya I wouldn't have to add "HOPIA-liked it" kasi talagang sabik din siya sa pag-ibig ko sa kanya. Yung tipong siya ang shortcut to happiness, isang titig lang, happy ka na. Oo, ngayon eh malulunod kayo sa ka-kornihan ko.

Isa lang naman talaga hiling ko tuwing sumasapit ang ika-14 ng Pebrero taun-taon - Lord, kung nakikinig ka, iligaw mo naman my way si Prince Charming ko. Yun lang. Pagkatapos nuon eh magpapa-misa't nobena na ako every year. Amen.

Image Source: http://25.media.tumblr.com/tumblr_kyfth5gyG61qzezyoo1_500.jpg

5 comments:

  1. Ayos, gusto sad ko ingun ana na laki LOL

    ReplyDelete
  2. ahhh!! hindi ako makahinga!! malulunod na ata ako!! DX


    hihi joke lang :D


    o ayan..nasabi mo na ang requirements... pila nalang ang kulang :D

    ReplyDelete
  3. napa..silent waters run deep..silent water run deep.. at napa-ulit-ulit yun sa kokote ko.. so far.. ngayon lang ulit ako nakabasa ng mahaba-habang post mula sayo.. lol.. hahhahaha

    MINS IS THE ultimate SEX ORGAN. LOOOOL. make sense.

    ReplyDelete
  4. @Hanna. Ei, thanks for visiting. Hahaha. Ganun? Type mo rin aking Ideal Guy? Naku, maglalaban tayo niyan Teh!

    @Haze. Tangeh! Oh ano? Naayos mo na si Bhez?

    @Kamila. Hahahaha. After exams na kasi.

    ReplyDelete
  5. yun o, may special mention pala sakin dito. haha. nice one cy.

    ReplyDelete